by Yael Yuzon of Sponge Cola
Parang butil ng buhangin di gaanong napapansin
Pag inipon ang tinapon ay panghihinayangan din
Palibhasa nakatunganga huli ng naisip ko
Ang inaaksaya ko pala ay halagan ginto
Walumpu’t anim na libo apat na raan ang nasa palad ko
Walumpu’t anim na libo apat na raan
Pano ko gagamitin to
Parang hangin dumaan at naglaho
Salamat sa Diyos bukas may panibago
Walumpu’t anim na libo apat na raang segundo
Di ko na sasayangin 'to
Bakit minsan parang kulang
Minsan ang bagal ng takbo
Pwede ba na huminto lang
Sa sandaling masaya ako
Ang oras ay mainipin
Di marunong maghintay
Kung palalampasin baka di na makasabay
Walumpu’t anim na libo apat na raan ang nasa palad ko
Walumpu’t anim na libo apat na raan
Pano ko gagamitin to
Parang hangin dumaan at naglaho
Salamat sa Diyos bukas may panibago
Walumpu’t anim na libo apat na raang segundo
Di ko na sasayangin
Parang salitang matalim na nasabi
Kahit na magsisi ay hindi na mabawi
Oras na lumipas ay di na babalik muli

Di ko na sasayangin to
Walumpu’t anim na libo apat na raang segundo
No comments:
Post a Comment