Showing posts with label Rico Blanco. Show all posts
Showing posts with label Rico Blanco. Show all posts

Gloc-9 Feat. Rico Blanco - Magda



Magda Lyrics
by Gloc-9 Feat. Rico Blanco

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babae
Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete
Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Simulan natin ang storya

Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman
Wag ng magbulagbulagan

Bakit ang nais natin ay
Malaman ang baho ng iba
pag bibigyan kita
Kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata
kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
at pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
tuwing kausap kona malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman
pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
dahil pinawis ang mukha ako'y nag punas ng pulbos
kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga Maynila

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Maraming taon ako'y nalipasan
pinilit ko mang takasan
bagkos ay aking nalaman
ang tunay kong kailangan

Di ko maibaling
Ang pag tingin ko sa iba
Minamahalko sya
Hahanapin ko si magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
sa lugar na ang sabi'y kanyang pinag tatrabahuan
Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan
iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
madaming lamesa't mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
sa maliit na entablado ay nakita ko na
ako ay nagtaka nag tanong nag kamot
Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot

Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete
Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Ituloy natin ang storya

Agad s'yang sumama sakin walang kakaba kaba
ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa
parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising
ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
liham para sakin na isinulat nya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin

Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
di nako nag paalam dina kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
at sa pinaka masayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan at kung kani kanino
di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako'y sagipin itinulak sa bangin
ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin
kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat
pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, Nagmamahal magda

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babae..
 
Cast: 
Jennylyn Mercado
Alex Medina

Rico Blanco - Lipat Bahay


Lipat Bahay Lyrics
by Rico Blanco

Mga basura pilit pinagkakasya
Sa mga kahong bagong bili

Mga basura pilit pinagkakasya
Sa mga kahong bagong bili
Lumang plaka, T-shirt na pangkampanya
Mga regalong matagal nang di pinapansin
Plastik na bulaklak, bote ng alak
Pager, thermometer, poster ni Dominique Wilkins

[Chorus:]
Lipat bahay
Bagong buhay
Lipat bahay
Bagong buhay

Makinilya, encyclopedia
Kobre kama na Return of the Jedai
Bala na family ko
Step knot, Carpet, Majong
Circus CD na pinapirma ko sa Heads noon

[Chorus:]
Lipat bahay
Bagong buhay
Lipat bahay
Bagong buhay

Di ko…
Yata kayang iwanan ka… iwanan ka
Hindi ko…
Yata kayang iwanan ka… iwanan ka…
Hindi ko…
Yata kayang iwanan ka… iwanan ka…
Hindi ko…
Yata kayang iwanan ka… iwanan ka…
Hindi ko… (Lipat Bahay)
Yata kayang iwanan ka… iwanan ka… (iwan)

Rico Blanco - Amats

Rico Blanco - Amats


Amats Lyrics 
by Rico Blanco

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin
Tuwing ika'y napapadaan
Hindi ko alam kung anong tumama sakin
Ngayun lang ito naramdaman

Sa unang ngiti pag-ibig
Sa unang sulyap walang hanggang kaligayahan
Sa panaginip akin ka
Obvious naman di ba ang amats ko sa 'yo kakaiba

Kailan kaya makakamit ang aking
pangarap na mahawakan ka
At kailan kaya ang pagdampi ng labi
sa buhay kong lo-batt sa saya

Sa unang ngiti pag-ibig
Sa unang sulyap walang hanggang kaligayahan
Sa panaginip akin ka
Obvious naman di ba ang amats ko sa 'yo kakaiba

Sa unang ngiti pag-ibig
Sa unang sulyap walang hanggang kaligayahan
Sa panaginip akin ka
Obvious naman di ba ang amats ko sa 'yo kakaiba

Kailan kaya makakamit ang aking
pangarap na mahawakan ka
At kailan kaya ang pagdampi ng labi
sa buhay kong lo-batt sa saya

Sa unang ngiti pag-ibig
Sa unang sulyap walang hanggang kaligayahan
Sa panaginip akin ka
Obvious naman di ba ang amats ko sa 'yo kakaiba