Showing posts with label Abra. Show all posts
Showing posts with label Abra. Show all posts

Maja Salvador feat. Abra - Halikana


Halikana Lyrics
by Maja Salvador feat. Abra

Yo
Maja,
Abra
Tara na!

Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga Kung san tayo pupunta

Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga Kung san tayo pupunta

Mga labing kay tamis
At mga ngiting nakakamiss
Oh bakit ba ako magtitiis

Tuwing magkasama’y masaya
Pag lumalayo’y naluluha
Oh bakit ba ako mahihiya

Aaminin ko ang nilalaman nang damdamin
Sasabihin mo na ito’y nadarama
Nadarama mo rin

Halina Halina
Halika na
Humalik humalika na
Mula gabi hanggang umaga

Eto na’ng romansa
Hinaluan ko nang sanada
Uso pa ba ang harana
Aba oo naman
Basta ikaw lang ang korsonada
Mula umaga hanggang gabi
Mula gabi uli hanggang mag-umaga
Sige pumikit at kita kits
Sa paggabi sa panaginip
Habang magkahawak kamay
Gumagala uh

Aaminin ko ang nilalaman ng damdamin
Sasabihin mo na ito’y nadarama
Nadarama mo rin
Halina Halina
Halika na
Humalik humalika na
Mula gabi hanggang umaga

Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga kung san tayo pupunta (halika na)

Halika na sa paraiso,
Higpitan ang kapit at baka matalisod
(Halika na)

Halika
Halika dito
Walang magpapaikot
Walang pakipakipot
(Halika na )

Halika na sa paraiso,
Higpitan ang kapit at baka matalisod
(Halika na)

Halika
Halika dito
Walang magpapaikot
Walang pakipakipot
(Halika na)

Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga kung san tayo pupunta

Pwede ba akong sumama
Mula gabi hanggang umaga
Gusto ko sanang makilala ka
Di na mahalaga kung san tayo pupunta

Halika halika (halika na)
Halika na
Humalik humalika na
Mula gabi hanggang umaga

Mga labing kay tamis
At mga ngiting nakakamiss
Mga labing kay tamis
At mga ngiting nakakamiss (nakakamiss)

Abra and Julie Anne San Jose - Dedma



Dedma Lyrics
by Abra and Julie Anne San Jose
 
Bakit hindi ko maintindihan?
Ha! Sino ba at nasaan? Ha!
Ano siya anito? superhero?
Tagarito ba o baka taga buwan!
Ano ba yan! gawa-gawa lng ba ng tao?
o kabaliktaran tulad ni Adan?
Yung totoo di mo alam ayaw maki-alam o wala ka lang paki-alam...
Andami ng namamatay, pumapatay, nagpapakamatay at nabubuhay sa mali...
Mga bata'y nadadamay sa mga away...
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin..
Puro pa gera, dulot ng pera, nakakalungkot ba't ka ubod ng DEDMA?
Punyeta! Retreat sa kweba oras na ma-sodom at gomorrah tong buong planeta, teka!

Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.

Pa'no kung walang kabilang buhay? Pa'no niyo kami matutubos?
Paano kung wala paring patunay at yun ay kasi wala naman talagang diyos...
Na bwakaw magpasamba kung ayaw mo daw mananalanta 
pero ganun parin naman kahit magdasal ka.
Tingnan mo deuteronomio kung mapagmahal siya nasa'n na ba kasi yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema mga pruweba ng primitibong siyensya!
Mahirap tanggapin na para ding penitensya! Sentensiya!
Sa mga mapang-abuso kontrolado utak kapagka hawak ang puso punto,
Sa'n patungo ang relihiyon?
Sa katapusan ba ng mundo o sa panginoon bakit gano'n?

Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.

Minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
na siyang kay hirap tanggapin
at kahit iisa ang kinikilalang diyos ama ang tanong,
bakit yata parang dedma yung iba?

Nasaan!? Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si inang kalikasan?
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
halik ni kamatayan sa ng kabihasnan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan?
O kathang-isip lamang ng takot sa kawalan?
Kailangan ko ng bendisyon,
maliwanagan parang si Thomas Edison
kahit mabusisi
Alam ko sa sarili ko,
di ko kayo kinekwestiyo, malayang desisyon...
Kasi imposibleng inimbento ka lang sino ang arkitekto?
Sikreto nalang...
Perpekto lahat tao disenyo pa lang ang tanong. bakit ganon? 
Yan ang pala isipan!

Kay rami nang tukso nandyan at lalapit sa'yo
mga matang nakasunod, nakabantay naglalakbay,
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan.

Abra feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane - Midas



Midas Lyrics
 by Abra feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane

Yo, Abra alyas makatang hibang
Kasama si..Jaq Dionisio
Artifice

Chik-chik bang

Isang araw na naman parang kahapon lang
Kapag muling naging pula ang buwan
Nakikipagbangayan sa mga katunggali
Walang pakialamanan pagkat 'di tayo bati

Minsan parang mabait pero minsan lang naman
Sasagasaan ang sinumang sagabal sa 'king daan
Sasakyan ang mga biro kahit 'di astig ang trip
Kasi kahit anong shit kaya kong gawing legit

Inggit ang mga katunggali ko
Nagbubuwis ako ng buhay sa pangarap magkabilyong piso
Mismo, listo sa kada kataklismo
Kahit makasalanan kakampi si Hesukristo

Bisyo, para may pangkalawakang paglakbay
Barya, ang mga balang may apy na kasabay
Babae, para magsilbing konsensya at gabay
Baril, dependa at dahilan ng pagkamatay

Sumandal ka lang sa akin (Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita (Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin (Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

Chik-chik bang

Isang araw bala ka lang
Malayang kalakalan baril ang patakaran
Dapat may kaalaman para magkaalaman
Sa mundo na madugo lahat ay papalagan

Patalon-talon na para bang binabaril-baril ang paanan
Papitik-pitik pa parati para matapatan
Dapat hindi ka kabahan
Dine-deadma ang mga banta't pinagtatawanan
Pagkat minsan ang talunan pa ang pinakapalaban

Kasi kailangan na lumaban tuwing inaapi
Pero mas kailangan ang tapang kundi
'Di kakampi sa 'kin si Tadhana
'Pag nagpakita ng kahinaan
Guwantas ko ang kamay ni Midas kamaynilaan

Pagkat ang mga katagang nanggagaling
Sa aking bibg ay nakakabulabog
Makapal yung apog, ala bigbang
Kung sumabog tapos pa sa tugatog

Habambuhay buhay basta 'wag lang magpapabaya
Ang larong 'to ay sugal at kaluluwa ang nakataya-braa

Sumandal ka lang sa akin
(Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita
(Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin
(Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

(Hey, yeah-oh woah)

Sumandal ka lang sa akin
(Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita
(Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin
(Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

Abra feat. Arci Muñoz - Ilusyon




Ilusyon Lyrics
by Abra ft. Arci Muñoz of Philia

Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga

Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)

Ilang dekada na ba, nakapagtataka na
Wala paring pagbabago ng pagkatagal na
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
Pagtakpan ang matagal ng halatang halata

Palakihan ng lote paramihan ng kotse
Para di mangamote, bayanihan ng konte
Matapobre, talagang plastikan ang forte
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte

Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya
Sakit, oo pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas ang mga elektibo
Nagpapaka bibo at hindi epektibo
Puro salita pero ni wala man lang pruweba
Magpapaka-propeta para walang protesta
Sa nakaraang problema ano ba ang solusyon
Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon

Chorus:
Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga

Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)

Walang nakaisip ng nasa palagid
Mabaho, madumi at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit na saang gilid
Nag trapik parang bang kada kalsada makitid

Laganap na kotongan, sus Maria!
Mga driver tingin sa kanilang bus tamiya
Bayarang kababaihan para boobs makita
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita

Kapag umulan wag susubukang bumiyahe
Madalas ang pagbaha may lumulutang na tae
Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari

Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago
Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado
Kasalakuyang problema ano ba ang solusyon?
Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon

Chorus:
Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga

Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)

Marami pang mga kababayang habang buhay na pagod
Pagkat hanap ng hanap ng hanapbuhay sa abroad
Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot
Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot

Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
Kaya di dapat kinailangan na mangako
San na ang pagbabago
Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang

Habang marami nagugutom at walang matirhan
At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng Taong di nyo kayang pakinggan

Magandang kinabukasan na orasan ko yon
Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?
Kinabukasan ng problema ano ang solusyon?
Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon?

Chorus:
Nasan na ba ang pagbabago? San?
Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta wag niyo kong gagawing tanga

Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Wag niyo kong gagawing tanga

Wag na wag, wag na wag!

Cast:
Jun Talegon as "Congressman Durukot IV"
Richard Raymundo a.k.a. DJ Buddah
Basilyo of Crazy Ass Pinoy
BLKD of Them Sent
Georgy Germones
Bugoy Cariño
Erwin Jordan
Kaye Jordan
Benjie Camino
Frank Camino
Joey Abracosa
Rycher Alfonso
Bruce Reyes
Kenneth Ferrer
Ariel Montano
Teril Bilog
Roy Alicbusan
J.C. Pingol
Froilan Barcena
Via Castro
M.J. Cusap
Cathy Lim
Shin

Abra - Haba Ng Hair


Haba Ng Hair Lyrics
ft. Abra

Di akalaing mapapansin
Never ever expected to win
Just let down your hair
Let your story begin

Haba ng hair
Nag-Rejoice ka ba girl?
Haba ng hair
May Rejoice-salon powers ka
Haba ng hair
Sa 'yo na ang korona

Haba ng hair
Kala mo minsan talo ka na
Yun naman pala may fans club ka
Salon-soft at salon-smooth hair
Ma-a-achieve mo sa rejoice yan girl

Haba ng hair
Nag-Rejoice ka ba girl?
Haba ng hair
May Rejoice-salon powers ka
Haba ng hair
Sa 'yo na ang korona
Haba ng hair

Eh ano kung di ka sosyal
Di sanay sa salon na mahal
Ba't di i-Rejoice na lang yan
Buong bayan gawin mong fans

Haba ng hair
Nag-Rejoice ka ba girl?
Haba ng hair
May Rejoice-salon powers ka
Haba ng hair
Sa 'yo na ang korona
Haba ng hair

Parang nagayuma na naman si Abra
Nawindang dahil lang sa isang diwata
Halika na Miss, please, akyat ng dahan-dahan
Nang bukas ma-chismis agad ang kagandahan
Pasado sa 'kin ang bagsak ng 'yong buhok
Para kang nagpa-salon ganon ka kasubok
Ang hirap pumikit, pag ika'y papalapit
Tagahanga ba kita bakit parang nagkapalit
Kung ikaw ang prinsesa ako ang kabalyero
Handang magsilbi sa ganda mong walang kapareho
Daig pa si Rapunzel sa haba ng hair mo
Sinuman ang di sumang-ayon sa akin, barbero

Haba ng hair
Nag-Rejoice ka ba girl?
Haba ng hair
May Rejoice-salon powers ka
Haba ng hair
Sa 'yo na ang korona
Haba ng hair

Ilugay, iwagayway ang hair
Haba ng hair
Nag-Rejoice ka ba girl?

Abra feat. Thyro & Jeriko Aguilar - Gayuma




Gayuma Lyrics
by Abra feat. Thyro & Jeriko Aguilar

Harana para sa dalaga
Na kundi dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan na para
Masabi lang sayo na tapos na panggiginaw
Ng puso kong naghihikaos pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
Pagkat sabi mas mukha ka pang lalaki kesa sakin

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit
Hindi ka manatiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco ang sarap ng filling mo
Ikaw ang namimiss ko mismo
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh
Paggalit si Son Goku parang kamukha mo beh
Pero ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in-between ka ng babae at bakulaw

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan
Ang sabi nya “Uy! Meron akong nabalitaan”
Nang ikwento nya ako ay napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing “Hindi yan tunay na pag-ibig!”
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamot
At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
Gayuma nga! Langhiya! Ako’y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabinge
Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!
Alam mo? Mukha kang tuhod na may sugat, na may bukol, na may nana!
Ikaw ang dahilan tong ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip (Badtrip)
Ka-date kita hanggang sa panaginip (Ang pangit mo talaga)
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wa… ah… teka.. teka.. teka.. teka..)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Di ako makapaniwala sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip (Alam mo)
Ka-date kita hanggang sa panaginip (Hay nako...)
Kasi ikaw ang iniibig ko

Syempre yan ay dahil sa gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA