Lani Misalucha - Muli


Muli (Once A Princess OST) Lyrics
by Lani Misalucha

Kahit na malayo pa
'Di pa rin nawawala
Naririnig ang tinig mo
Ang pagtibok ng 'yong puso

Para bang naririto
Habang sambit ang ngalan mo
Ang isip ko'y naglalaro
Sa isang daigdig mula sa'yo

Babalik ako sa piling mo
Darating at 'di na lalayo
Maghintay at 'wag mapagod
Pagka't bukas ay magtatagpong muli

"Kay tagal ng panahon
Inagos ng mga alon
Nagtitiis, nananabik
Sana'y makamit

Ang puso kong tahanan mo
Hindi pa rin nagbabago
Hinding hindi mabibigo
Muli iyong matatamo

Babalik ako sa piling mo
Darating at 'di na lalayo
Maghintay at 'wag mapagod
Pagka't bukas ay magtatagpong muli"

Ang bisig ko'y iyong kanlungan
Kasama ka ngayon at kailanman

Maghintay at 'wag mapagod
Pagka't bukas ay magtatagpo
Sa nakagisnang ating mundo
Ikaw at ako ay iisang muli

Note: Italic font can't be heard in this music video

No comments:

Post a Comment