Showing posts with label Denise Barbacena. Show all posts
Showing posts with label Denise Barbacena. Show all posts

Joey Ayala and Gloc-9 featuring Denise Barbacena - Papel


 Papel Lyrics
by Joey Ayala and Gloc-9 featuring Denise Barbacena

Ikaw ba'y may papel
Asan ang 'yong papel
Ano ang 'yong papel

Papel, papel, papel, papel

Magmula pagsilang, tayo ay pumapapel
Ang timbang at alay ini-record sa papel
Birthday at magulang sa papel masusulyap
Ito ang katibayan na tayo nga ay taong mapapel

Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papel
Natutong magbasa at sumulat sa papel
Ilang taong tinahak ang papel na daanan
Patungong graduation na diplomang nakalukot na papel, papel

Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papel
At ng matanggap abay kay bosing pumapel
Nang magtagumpay ay lumapad ang papel, papel

Tuwing kinsena at trenta may pasweldo na papel
Nagkaroon ng credit card, pautang na papel
At ng di nakabayad, ang papel ay nabasa
Kumayod, nagsumikap ng maayos at ng dumami ang papel

Nang may mapusuan, nag-I love you sa papel
Nang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel
At nang magkapamilya ang papel nadagdagan
May lupa, bahay, tubig at kuryeteng babayaran ng papel

Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell

Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel

Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa (oh)
Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (oh)
Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa (oh)
Sige basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (oh)

Tsike, pasaporte, lisensya (oh)
Rehistro, titulo, sedula (oh)
Resibo, selyo, balota (oh)
Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya (oh)

Hindi maiwasang maalipin sa papel
Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel
Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat
Ito ang susundin ng kaganapang uikot sa papel,

Papel, papel, papel

Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel
Ang nais marating ay i-mapa sa papel
Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang, papel

Papel mo sa sarili, papel mo sa agham
Papel mo sa bayan at sa sanlibutan
Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan, papel

Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel, papel ,hey

Kontrata sa gobyerno, negosyo (oh)
Pasado o bagsak man na grado (oh)
Lahat ng balita sa dyaryo (oh)
Lalo na ang mga pera mo sa bangko (oh)

Gloc-9 feat. Denise Barbacena - Dapat Tama




Dapat Tama Lyrics
 by Gloc-9 feat. Denise Barbacena

dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at naturo nawala ay maibalik
dapat tama

alam natin ang tama bat di natin ginagawa
paulit ulit nalang na ito ang bagong simula
simula ng simula bakit walang natatapos
atras abante laging pudpod ang swelas ng sapatos
ilang beses nangako ilang beses napako
bat di natin subukan at tulungan at umako
bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
pag tayoy nagsama sama lahat ay malalampasan
may mas maayos na bukas para sa ating mga anak
ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil
na nasa pwestong di ka na kilala kapag siningil
sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal

dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at nagturo nawala ay maibalik

dapat tama sa isip at sa salita
dapat tama lalong lalo na sa gawa
dapat tama sama sama nating itama ang mali
dapat tama at ang bayan natin makabangon muli

itama natin ang gabay wag na tayong magreklamo
itaas ang kamay ng gusto ng pag asenso
balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
malakas na boses sabay sabay mangako

walang magpapaloko wala ng manloloko
ang mga botanting pilipino ay di mga bobo
lumiyab pag madilim ituwid ang tiwali
hindi ganon kasimple to di kelangang magmadali
ang tiwala inagaw sa taong ng maning mani
kahit saan natin ulitin at tingna'y maling mali
umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
kahit ano pang iharang ay tumuloy ng tumuloy
pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
at sa araw na napakabihira lang dumaan
dapat sa may katuturan wag kang magaalangan
na hawakan ang lubid na s'yang nagsisilbing tulay
gisingin natin ang tulog tuloy tuloy na magingay
ng malaman ng lahat sumigaw sabay sabay
kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay

dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at naturo nawala ay maibalik

dapat tama sa isip at sa salita
dapat tama lalong lalo na sa gawa
dapat tama sama sama nating itama ang mali
dapat tama at ang bayan natin makabangon muli
DAPAT TAMA!