Showing posts with label Parokya Ni Edgar. Show all posts
Showing posts with label Parokya Ni Edgar. Show all posts

Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9 and Frank Magalona - Ang Parokya



Ang Parokya Lyrics
by Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9 and Frank Magalona

[Chito:]
Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan
At kahit na anong mangyari, pare steady ka lang
Pangako namin sa inyo palaging tandaan

Na ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Nandyan si Dindin, ang drummer naming cute na cute
Kaibigan ko na sya mula nung '82
Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute
Pati mag drums pero ok lang yan chong, salute

Grade 3 nung nakilala ko si Montaner
Ang aming back up extra ordinaire
Sa bawat gig handa syang magpakamatay
Kasi nag-iisa yung kanta nya, yung Picha Pie

Si Buhawi, pinakamagulong bahista
Magaling, malupit, para syang karatista
Pag inyong makita, kala mo rakista
Pero gusto nya lang talaga maging fashionista

Si Gab, gitarista namin na malupit
Anak ng teacher kaya akala mo mabait
Pero kung minsan inaatake ng kulit
Nawawala bigla ang modo, banatan sa p*wet

At ang huli, si Darius Gerard Semaña
Ang pinakamatandang member ng Parokya
Wala kaming mahanap na ibang gitarista
Kaya kinuha namin sya kahit Lasalista

Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

[Gloc9:]
Ako si Gloc9 batang Binangonan Rizal
Sipag tyaga dugo pawis na may kasamang dasal
Di pwedeng mainip kahit na gaano pa katagal
Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal

Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy,
si Chito Miranda nakita ko sa kod-li
Ako'y napa-isip at medyo nangarap ng konti,
baka nga may mapala ang isang makatang promdi

Lumipas ang isang taon, may tumawag sakin
nang sabihin nya kung sino sya gusto ko syang murahin
nang aking pinuntahan di ko sukat akalain
makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng marami

Bagsakan ang nangyari
Samahang binuo namin wala akong masabi
kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin
Mula noo'y di na ko nakatulog ng mahimbing.

Palaging atat ipadinig sa lahat kung saan nagmula
ang tulang nag-ugat
dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
dahil susunod na sakin ang anak ng alamat

[Frank:]
Sintamis ng makopa para bang naka-toga
nakamit na ang inaasam nilang diploma
'di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona

yan si Chito at ang tropa pagkabibo ay sumosobra
pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
pag pumito na si kuya alam nating magulo na
mang pulis ho totoo na ako'y testigo ilang taon na

kulang nalang sulat ko'ng pangalan nila sa balota
walang pinoy na takot sa kanila
kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada sila ang pipiliin
na kalahok tampok sa kalokohang subok

walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
sa pintuan palang hindi mo kayang makatok
sa bituka palang sila'ng mas matatag
sa totoo lang 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab,
Chee Kee Vinci Moreno Semana at Meneses
nominado at nanalo ng maraming beses
nakalathala sa punong Acacia
ang Diyos ay marunong humasa
'di ba halata na binasbasan ng Bathala 'sing tibay ng Narra
'di natakot mangarap pakinggan niyo'ng Harana,
mga kapatirang pariwara na inararo ng drama,
itaga niyo na sana sa bato at mangako na habambuhay magsasama

[Chito:]
Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim 

Parokya ni Edgar feat. Gloc9 and Frank Magalona - Bagsakan Vol.2


Parokya ni Edgar feat. Gloc9 and Frank Magalona - Bagsakan (Inuman Sessions Vol.2)  
Bagsakan Vol. 2 Lyrics
by Parokya ni Edgar feat. Gloc9 and Frank Magalona

Nandito na si Chito, Si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, Si francis Magalona
Nandito na si Gloc 9, Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito in 5 4 3 2

Nandito na si Chito, Si Chito Miranda
Nandito rin si Kiko, Si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc 9, Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito, Mauuna si Chito!

Chito Miranda:
Hindi ko alam kung bat ako kasama dito
Sama-sama sa mga pasabog nila Kiko at ni Glock - astig patinikan ng bibig
Teka muna teka lang painom muna ng tubig
Shift sa segunda bago mapatumba
Dapat may maisip ka na rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas
At astig baka sakaling marinig
Ng libo libo na pilipino nakikinig sa mga pabibo ko
Di ka ba nagugulat sa mga naganap
Di ko din alam kung bat ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangan galingan hindi na kayang tapatan ang tugtugan ng Parokya
At aming samahan
Shit! panu to wala nko masabi
Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi kong ito
Kunyari nagbabakasakali
Na magaling din ako kaya nasali!

Natapos na si Chito, Si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, Si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc 9, Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito, Babanat na si Kiko!

Frank Magalona:
It aint uzi or ingram
Triggers in the maximum
Not a 45 but 44 magnum
And it aint even a 357
Nor 12 gauge but the mouth so listen
Nandito na si kiko at kasama ko si chito at si gloc 9
And it's time to rock rhyme
Di ko mapigilan lumabas ang mga salita
Sa aking bibig di padadaig
Ang bunganga
Hala tumunganga
Lahat napapahanga sa talento
Akoy taga kalentong
Batang mandaluyong na ngayun nakatira sa antipolo
Sumasaklolo sa mga hiphop
Pwede karerin o
Pwede rin trip lang
Si Gloc kasama ng parokya
Parang bulagaan at kelangan di mabokya
Hindi mo na kelangang malaman
Kung bakit pa
Kaming lahat ay nagsamasama
Mic check eto na nagsanib na ang pwersa
Francis Magalona Gloc9 at ang Parokya
1 2 3 4 lets volt in!

Natapos na si Chito, Si Chito Miranda
Tapos na rin si Kiko, Si Francis Magalona
Nandito na si Gloc 9

Gloc9: ahhh mic check - mic check

Wala syang apelyido

Gloc9: naka on na ba ung mic?

Magbabagsakan dito
Kelangan ng magingat
At ang huling bagsakan
Si gloc 9 ang babanat!

Gloc9:
Bato bato sa langit
Ang tamaan'y wag magalit
Bawal ang nakasimangot
Baka lalo ka pumangit
Pero okay lang
Hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa amin na parang naka eroplano
Sa tunog ng gitara
Kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si kiko
Magaling-hindi parin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik balikan
Stop-rewind i-play mo
Nakapakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin
Hindi na kelangan pang paikutikutin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig na para iyong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko papel
Pero pwede ilatag
Na parang banig na higaan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Eh kasi naman siguro
Ganyan lang kapag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan
Hindi mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasamasama lahat ay kasali!

Chito miranda:
Ngayun lang nadinig
Hindi na to madadaig
Nagsamasama sa bagsakan
At naging isang bibig
Magingat ingat ka nga at baka masindak
Sapagkat andito na si chito-at-si-kiko-at-si-gloc!

Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9 - One Hit Combo


Track listing
01. Original Song
02. Ganito O! (Filler)
03. Reunion (Panahon Ng Kasiyahan) (3:15)
04. Orange
05. Pangarap Lang Kita Feat. Happee Sy (3:15)
06. OK Katol (Filler)
07. Pakiusap Lang (Lasingin Nyo Ako) (3:11)
08. Francis Vincent Montaner (Filler) (0:24)
09. Red Pants (4:00)
10. Yakult (Filler) (0:12)
11. Walong Baso (3:09)
12. One Hit Combo feat. Gloc9 (2:50)
13. Tuloy Po Kayo (Filler) (0:25)
14. Lolo Bye (3:40)
15. Ok Lang Ako (3:18)
16. Pangarap Lang Kita feat. Francis Vincent Montaner (3:30)

One Hit Combo Lyrics
by Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9

Chorus:
nand2 nanaman kami
nagkakantahan sa isang tabi
katulad ng dati pagkatapos ng klase
lagi kang merong katabing nagsasabing
wag kang magkakamali
palampasin ang sandali
kailangan mo palagi positibo parati
dapat maniwala ka na merong mangyayari

(Chito)
oras na para gumawa ng panibago
oras yun na pwedeng kantahin ng mga gago
tara samahan nyo ko na muling maglibang
para sa katulad mong nag-aalangan

teka lng di naman kailangan magmadali
dapat lang siguro na wag kang magpapahuli
sa pagkat ang oras natin ay may katapusan
kailangan mong gamitin sa makabuluhan
pasok

(Gloc 9)
teka muna teka muna teka muna teka
kakatapos ko lang isulat ang mga letra
hampasin ang tambul at kaskasin ang gitara
kasama ko ulit ang pinaka malupit na banda
pero ngayon ay babaguhin na ang tema
at sasaludo sa mga nauna
musikero gitarero tambulero magaling
kahit kanino itapat taga kalentong

Chorus:
nand2 nanaman kami
nagkakantahan sa isang tabi
katulad ng dati pagkatapos ng klase
lagi kang merong katabing nagsasabing
wag kang magkakamali
palampasin ang sandali
kailangan mo palagi positibo parati
dapat maniwala ka na merong mangyayari

(Chito)
nagsimula kami mga 93
mga bata hindi mapigil sa pagporsige
mga bata hindi maawat mga hadlang
sapagakat sila’y nakatingin sa pupuntahan
namulan sa heads at kay sir magalona
alam ko na sa loob ko nagsisimula na
sila ang nagsupply at naglagay ng gasolina
si kiko at kay gloc at ilan sa parokya

(Gloc)
ibang klase ang pinoy pagdumating na sa tugtugan
nagyuyugyugan siguradong hindi magtulogtulugan
pagnarinig mo ang bagong gawa ni kiko at ni gloc
kung ika’y sa amin ay sumasang-ayon ikaw pumalakpak
ng malakas itaas ang kamay at sumigaw
para sa tatlong bituwin at isang araw
mga bata rin at tulad ng iba tagahanga din kami ayos

nand2 nanaman kami
nagkakantahan sa isang tabi
katulad ng dati pagkatapos ng klase
lagi kang merong katabing nagsasabing
wag kang magkakamali
palampasin ang sandali
kailangan mo palagi positibo parati
dapat maniwala ka na merong mangyayari

(Gloc)
ang gusto lang namin sabihin
pangarap ay laging habulin
kahit kinakapos ang hininga mo’y pigilin
initin natin kalan para tubig kumulo
kailangan gibain ang poso para maging mapuno
wag ka papabola sa iba hindi ito madali
kung may gusto pare wag kang magmadali
tama ba pare kahit ka puro mali
ipunin lahat piraso kahit hati-hati
kase isa lang ang tatatandaan
walang nakaharang na di kayang lampasan
para di ka mahuli kailangan paspasan
lagi mong patalim sa kakahasa ang kutsilyo
martilyo kailangan para palubugin lagi ang pako
ikutin ang antena kung ang tv ay malabo
kung wag matakot tumaya ng pati pato
kanta na

nand2 nanaman kami
nagkakantahan sa isang tabi
katulad ng dati pagkatapos ng klase
lagi kang merong katabing nagsasabing
wag kang magkakamali
palampasin ang sandali
kailangan mo palagi positibo parati
dapat maniwala ka na merong mangyayari