Dapat Tama Lyrics
dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at naturo nawala ay maibalik
dapat tama
alam natin ang tama bat di natin ginagawa
paulit ulit nalang na ito ang bagong simula
simula ng simula bakit walang natatapos
atras abante laging pudpod ang swelas ng sapatos
ilang beses nangako ilang beses napako
bat di natin subukan at tulungan at umako
bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
pag tayoy nagsama sama lahat ay malalampasan
may mas maayos na bukas para sa ating mga anak
ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil
na nasa pwestong di ka na kilala kapag siningil
sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal
dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at nagturo nawala ay maibalik
dapat tama sa isip at sa salita
dapat tama lalong lalo na sa gawa
dapat tama sama sama nating itama ang mali
dapat tama at ang bayan natin makabangon muli
itama natin ang gabay wag na tayong magreklamo
itaas ang kamay ng gusto ng pag asenso
balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
malakas na boses sabay sabay mangako
walang magpapaloko wala ng manloloko
ang mga botanting pilipino ay di mga bobo
lumiyab pag madilim ituwid ang tiwali
hindi ganon kasimple to di kelangang magmadali
ang tiwala inagaw sa taong ng maning mani
kahit saan natin ulitin at tingna'y maling mali
umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
kahit ano pang iharang ay tumuloy ng tumuloy
pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
at sa araw na napakabihira lang dumaan
dapat sa may katuturan wag kang magaalangan
na hawakan ang lubid na s'yang nagsisilbing tulay
gisingin natin ang tulog tuloy tuloy na magingay
ng malaman ng lahat sumigaw sabay sabay
kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay
dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
sa katanungang harap harapang iaabot
sinong pinili pag ang tinta ay humalik sa daliri
syang ginamit at naturo nawala ay maibalik
dapat tama sa isip at sa salita
dapat tama lalong lalo na sa gawa
dapat tama sama sama nating itama ang mali
dapat tama at ang bayan natin makabangon muli
DAPAT TAMA!
No comments:
Post a Comment