Davey Langit - The Selfie Song



The Selfie Song Lyrics
by Davey Langit
Pagkagising sa umaga
Ang daming mo pang muta
Kukunin na agad ang kamera

Sabay kukuha ng litrato
Kahit di pa nagsipilyo
Makuha lang ang tama mong anggulo

Ayoko nyan burahin mo yan ang taba ko yata dyan
Ito na lang kasi naman mas mukha akong payat na tignan
Sabay caption ng "Magandang umaga dyan"

Sa kainan nakita mo ang ulam nyo tortang talong
Kukunan muna ng litrato kahit sobra ng gutom
Tapos i-a-upload ito at i-sye-share mo dun sa friends mo
Sabay tanong "Anong ulam nyo? Tara! Kain tayo"

Lahat ng yong galaw ay meron kang documentation
Lahat din ng ito pinapakita mo sa nation
Kung ito nga ang iyong trip
Sige lang baby click ka lang ng click

Tara na't mag-selfie selfie
Selfie selfie tayo pag may time
Ipakita sa mundo ang maganda mong smile

Selfie selfie selfie selfie tayo pag may time
Ang pagiging maganda at pogi ain't a crime
Selfie selfie din pag may time

Merong selfine malungkot
Meron din yong masaya
Meron din yong nakanguso tila pato ang ginagaya

Selfie ng bagong damit o kya bagong gupit
Meron yong wacky at pa-cute at yong kungwari ay galit, oh..

Lahat ng yong galaw ay meron kang documentation
Lahat din ng ito pinapakita mo sa nation
Kung ito nga ang iyong trip
Sige lang baby click ka lang ng click

Tara na't mag-selfie selfie
Selfie selfie tayo pag may time
Ipakita sa mundo ang maganda mong smile

Selfie selfie selfie selfie tayo pag may time
Ang pagiging maganda at pogi ain't a crime
Selfie selfie din pag may time

Oh di mo kailangan ang approval ng iba
Upang malaman mong ika'y maganda
Ang mahalaga ay komportable ka sa kung anong meron ka
Ang ganda mo ay nag-iisa

Kaya sige na

Magselfie selfie tayo pag may time
Ipakita sa mundo ang maganda mong smile
Selfie selfie selfie selfie tayo pag may time
Ang pagiging maganda at pogi ain't a crime, oh..

Selfie selfie selfie selfie tayo pag may time
Ipakita sa mundo ang maganda mong smile
Selfie selfie selfie selfie tayo pag may time
Ang pagiging maganda at pogi ain't a crime
http://pinoymusicvid.blogspot.com
Selfie selfie din pag may time
Selfie selfie din pag may time
Selfie selfie din pag may time

No comments:

Post a Comment