Champ feat. Gloc-9 and Noel Cabangon - Sari-Saring Kwento


Sari-Saring Kwento Lyrics
by Champ Lui Pio feat. Gloc-9 and Noel Cabangon

Sari-saring mga kwento
Ngayon sana’y pakinggan mo
Mga guhit ng tadhana
Minsa’y masaya, minsa’y masama

Pilipinas kong mahal
Ano’ng nangyari sa bayan
Mga hari, mga reyna
Kaharia’y gumuho na

Mga tupang naulila
Ano kayang mapapala
Pinabayaan, pinagtabuyan
Pa’no sila

Sari
Sari-saring mga kwento
Sari
Sari-saring mga kwento

Hindi ko na alam ang gagawin; palakad-lakad, dumadaing
Kumakalam ang sikmura, teka muna, ako muna, sige halungkatin
Mo ang basurahan dahil baka may makita pa tayong natirang pagkain kagabi
Pa’no kung wala, walang magawa, nakatulala, buhay ko ay naging madali

Kung hindi ako iniwan lang, hindi man lang tinuro kung saan ang pauwi
Habang nakatingalang nagbibilang pero ‘di ako makangiti
Pwede mong isipin na ako’y isang aso na dapat nakatali
Pero maraming tulad ko ang nagkaganito na mga batang kalye sa lansangan

‘Di alam
‘Di alam sa’n patungo
Sa’n tutungo

Sari (‘di alam)
Sari (‘di alam sa’n patungo)
Saring mga kwento (sa’n tutungo)

Parang gumugulong na luha, hindi sapat ang manghula
‘Di lahat ng nahahawakan ay pwede mong makuha
Sa paglipas ng panahon at sa pag-ihip ng hangin
Tumingin sa itaas, ngumiti ka’t manalangin

Sari-saring mga kwento
Ngayon sana’y pakinggan mo
Mga guhit ng tadhana
Minsa’y masaya, minsa’y masama

No comments:

Post a Comment