Ginoong Vitalis - Pilit




Pilit Lyrics
by Ginoong Vitalis

Pilit kong minamadali ang bawat araw na lumipas
Hindi ko kayang mawala ka ngunit alam ko na
Don din naman patungo pagkat mayrong nagbago
Walang magagawa

Sa dami-daming pangyayari, sa dami-daming magagalak
Bakit ikaw pa, ikaw ang syang unang bumitaw
Hindi ba pwedeng ipagpaliban puso ko ay sumisigaw
Bakit ikaw pa, ikaw ang syang unang bumitaw

Pilit kong ibinabalik ang alaala na iniwan mo
Dalangin ko na makayanan bigat na nadarama
Sa aking pag-iisa, Oh nasaan ka na
Ako'y nangangamba magbabalik ka ba?

Sa dami-daming pangyayari, sa dami-daming magaganap
Bakit ikaw pa, ikaw ang syang unang bumitaw
Hindi ba pwedeng magpaliban puso ko ay sumisigaw
Bakit ikaw pa, ikaw ang syang unang bumitaw

Nasaan ka na?
Akong nangangamba, magbabalik ka ba?

Sa dami-daming pangyayari, sa dami-daming nagaganap
Bakit ikaw, ikaw, ikaw ang syang unang bumitaw
Hindi ba pwedeng pagpaliban puso ko ay sumisigaw (sa daming magaganap)
Bakit ikaw ikaw, ikaw ang syang unang bumitaw

No comments:

Post a Comment