Ex-Bestfriend Lyrics
by Arron Villaflor/1DelaCrew
Bakit, ba't ka nananahimik, ba't ba nagkagan'to
Nagbago na tayo, di tulad ng dati
Na may pagmamalasakit, kaibigan kong matalik
Nariyan Tayo para sa isa at isa
Sana hindi na lang kita niligawan pa nang di na lang nasira, nagiba
Ang pagkakaibigan nating dal'wa ah ah ah,
O sana nga, hindi na lang
Noon, hindi mo dinidibdib
Ang akin sinasambit tungkol sa iyo
Dahil prangka ako para mo na akong kapatid
Walang sundo, walang hatid tinatawag ka pang pangit
Ngunit hindi naman masakit syo (oh bakit)
Subalit ngayon ganito bakit away doon, bakit away dito
Di naman ganoon nung hindi pa tayo
Kahit maliliit na bagay pilit pinapalaki
Sanay mabalik na lang sa Dati dahil ako ay nagsisisi
Sana hindi mo na ako sinagot pa nang di na lang nawala
Humupa ang pagkakaibigan nating dal'wa ah ah ah
O sana nga, hindi nalang
Dati di ka nababahala humalakhak ka man o magdrama
Nagkatuluyan, nagkahiyaan bigla pakisabi kung bakit
Sana hindi na lang kita niligawan pa nang di na lang nasira, nagiba
Ang pagkakaibigan natin
Sana hindi mo na ako sinagot pa nang di na lang nawala
Humupa ang pagkakaibigan nating dal'wa ah ah ah
O sana nga, hindi nalang
No comments:
Post a Comment