Abra feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane - Midas



Midas Lyrics
 by Abra feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane

Yo, Abra alyas makatang hibang
Kasama si..Jaq Dionisio
Artifice

Chik-chik bang

Isang araw na naman parang kahapon lang
Kapag muling naging pula ang buwan
Nakikipagbangayan sa mga katunggali
Walang pakialamanan pagkat 'di tayo bati

Minsan parang mabait pero minsan lang naman
Sasagasaan ang sinumang sagabal sa 'king daan
Sasakyan ang mga biro kahit 'di astig ang trip
Kasi kahit anong shit kaya kong gawing legit

Inggit ang mga katunggali ko
Nagbubuwis ako ng buhay sa pangarap magkabilyong piso
Mismo, listo sa kada kataklismo
Kahit makasalanan kakampi si Hesukristo

Bisyo, para may pangkalawakang paglakbay
Barya, ang mga balang may apy na kasabay
Babae, para magsilbing konsensya at gabay
Baril, dependa at dahilan ng pagkamatay

Sumandal ka lang sa akin (Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita (Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin (Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

Chik-chik bang

Isang araw bala ka lang
Malayang kalakalan baril ang patakaran
Dapat may kaalaman para magkaalaman
Sa mundo na madugo lahat ay papalagan

Patalon-talon na para bang binabaril-baril ang paanan
Papitik-pitik pa parati para matapatan
Dapat hindi ka kabahan
Dine-deadma ang mga banta't pinagtatawanan
Pagkat minsan ang talunan pa ang pinakapalaban

Kasi kailangan na lumaban tuwing inaapi
Pero mas kailangan ang tapang kundi
'Di kakampi sa 'kin si Tadhana
'Pag nagpakita ng kahinaan
Guwantas ko ang kamay ni Midas kamaynilaan

Pagkat ang mga katagang nanggagaling
Sa aking bibg ay nakakabulabog
Makapal yung apog, ala bigbang
Kung sumabog tapos pa sa tugatog

Habambuhay buhay basta 'wag lang magpapabaya
Ang larong 'to ay sugal at kaluluwa ang nakataya-braa

Sumandal ka lang sa akin
(Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita
(Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin
(Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

(Hey, yeah-oh woah)

Sumandal ka lang sa akin
(Tahan na 'wag kang mag-alala)
Laging taatandaan na mahal kita
(Maging matatag ka para sa 'kinkung sakaling)
Halika't aking yayakapin
(Mamaya pa, mamaya pa)
Wag mo na lamang ako iwanang nag-iisa

No comments:

Post a Comment