Gloc-9 feat. Jay Durias – Hindi Mo Nadinig

Gloc-9 feat. Jay Durias – Hindi Mo Nadinig

Hindi Mo Nadinig Lyrics
by Gloc-9 feat. Jay Durias

Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

Minahal na kita nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba

Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kung di ikaw

Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
At sinabi sa'kin sa hangin minahal mo ako pwede na'kong mamatay

Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit
Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit

Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
Madalas na magising wala ka sa'king tabi
Pero di naman siguro, baka guni-guni ko lamang to
Wala lang to, siya'y may pinapabili

Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw

Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan

Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip, di ko alam kung pa'no
Unti-unting nagbago dinuduro mo pa'ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko

Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal sabay hubad ng 'yong singsing
Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga

Piniringan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo biga
Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday

Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung ga'no kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido

Kasing kulay na ng talong ang mga kutis nyo ngaun
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok nyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon

Lumamig na ang luhang galing sayo at tumalig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig, hindi mo nadinig

Julie Anne San Jose - I'll Be There


Julie Anne San Jose - I'll Be There

I'll Be There Lyrics
by Julie Anne San Jose

First time I laid my eyes on someone like you
I can’t forget the hour, that moment with you
Then I have realized, love is growing deep inside
I feel the beating of my heart

Chorus:
Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there. . . . .

Spending my days and nights just thinking of you
How you make me wanna smile with the things that you do
When will I hear you say, love is coming on your way
And that you start to feel the same

Chorus:
Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there

Chorus 2:
Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end

We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there

GLOC-9 feat. Ebe Dancel - Sirena


GLOC-9 feat. Ebe Dancel - Sirena

Sirena Lyrics
by GLOC-9 feat. Ebe Dancel

[Ebe Dancel]
Ako'y isan sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Simula pa no'ng bata pa ako,
halata mona kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito,
magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula,
sa bubble gum na sinaba
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
Habang kumekembot ang bewang,
mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
nga galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan,
sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumlambot
ang puso kong mapagmahal
parang piluka na kulot.


[Ebe Dancel]
Ako'y isan sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Hanggang sa nagibibinata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakik parang lahat ay nalilito pa rin
ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
sa dapat makita ng inyong mga mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
Kahit binaliw nas a tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

[Ebe Dancel]
Ako'y isan sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
Ngayon sa inyong kaarawan, Susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, Lumapit
ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

[Ebe Dancel]
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga,
sa'kin kayo ay bibilib
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
bandea ko'y di tutumba..


Special Appearance (sequence) and Support by:
Momoi Super - Prodessional Interior Designer
Tuxqs Rutaquito - Stage Director, Actor, Set Designer
Carlo Vergara - Creator of Zsazsa Zaturnnah
Wanggo Gallaga - Writter and HIV Advocate
Ricky Francisco - Independent Conservator and Curator
Ladlad Partylist: Danton Remoto - Poet and Activist, Bemz Benedicto - Chairperson of Ladlad and Reymond Alikpala - Writter
Boy Abunda - TV Personality and Host