Gloc-9 Feat. Rico Blanco - Magda



Magda Lyrics
by Gloc-9 Feat. Rico Blanco

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babae
Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete
Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Simulan natin ang storya

Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman
Wag ng magbulagbulagan

Bakit ang nais natin ay
Malaman ang baho ng iba
pag bibigyan kita
Kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata
kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
at pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
tuwing kausap kona malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman
pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
dahil pinawis ang mukha ako'y nag punas ng pulbos
kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga Maynila

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Maraming taon ako'y nalipasan
pinilit ko mang takasan
bagkos ay aking nalaman
ang tunay kong kailangan

Di ko maibaling
Ang pag tingin ko sa iba
Minamahalko sya
Hahanapin ko si magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
sa lugar na ang sabi'y kanyang pinag tatrabahuan
Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan
iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
madaming lamesa't mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
sa maliit na entablado ay nakita ko na
ako ay nagtaka nag tanong nag kamot
Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot

Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete
Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Ituloy natin ang storya

Agad s'yang sumama sakin walang kakaba kaba
ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa
parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising
ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
liham para sakin na isinulat nya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin

Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
di nako nag paalam dina kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
at sa pinaka masayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan at kung kani kanino
di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako'y sagipin itinulak sa bangin
ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin
kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat
pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, Nagmamahal magda

Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema
Alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babae..
 
Cast: 
Jennylyn Mercado
Alex Medina

Sponge Cola - Kailangan Kita



Kailangan Kita Lyrics
 by Sponge Cola

Sana ay iyong naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig
Tanging ikaw lang ang ligaya

Parang buhay ko'y may taning
Tuwing ika'y nalalayo sa'king tabi
Laging tinatanong sa tuwina

Ikaw ba'y makakapiling ko
Ngayong gabing walang kasing lamig
At muling magigisnan ko bukas

Bawat nakaw na sandali
Lagi kong hinihiling
Ikaw sa piling ko'y manantili

Kailangan kita
Pagkat ang buhay ko ay kulang kung
Ika'y mawawala

Kailangan kita
Sana pagdilat ko
Ika'y nandito na

Sa aking bisig
Ikaw ay yayakapin ko
Buong higpit
At pangakong 'di ka bibitawan

Hindi magmamaliw
Pag-ibig ko't himig
Ang puso ko'y
Iyong inangkin

Tadhanang kakaiba
Sa ati'y tinakda
Magmula ng ika'y dumating
Oh giliw

Kailangan kita
Pagkat ang buhay ko ay kulang kung
Ika'y mawawala

Kailangan kita
Pagkat ang puso ko
Sayo'y walang ililigaya pa

Kailangan kita
Sana pagdilat ko
Ika'y nandito na

Iyo bang naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig?

Sarah Geronimo - Ikot-ikot



Ikot-ikot Lyrics
by Sarah Geronimo

Heto na naman tayo
Parang kelan lang ang huli
Gaano man kalayo
Tayo'y pinagtatagpong muli

Ilang ulit nagkasakitan
Ngunit paulit na gumagaling
Ilang ulit balak na iwan
Ngunit patuloy na bumabalik

Kay rami nang sakit
Na nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo

Sa walang hanggan na kalye, tumatakbo
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Heto na naman tayo
Damdamin natin ay bumubugso
Tayo ay muling napaso
Pintig ng puso ay lumulusong

Bakit pa ba, hinahayaan
Minsan inisip lumayo na lang
Ngunit hindi kita maiiwan
Mahal pa rin kita ngayon pa man

Kay rami nang sakit
Na nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo
(Oh-woah...)

Sa walang hanggan na kalye
Tumatakbo (tumatakbo)
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
(Paikot-ikot-ikot lang)
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
(Ikot-ikot-ikot lang)
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

Araw-araw, dulo't-dulo
May unos na dumaratal
Ano nga bang puno't dulo
Bakit nagtatagal

Kay rami nang sakit
Na nilimot napabayaan
'Di maiwasang isipin
Na tayo'y para bang tumatakbo

Sa walang hanggan na kalye
Tumatakbo (Woah...)
Ang pag-ibig na tila ba 'sang biyaheng
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot

(Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot)
(Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang
Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot)

Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9 and Frank Magalona - Ang Parokya



Ang Parokya Lyrics
by Parokya Ni Edgar feat. Gloc-9 and Frank Magalona

[Chito:]
Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan
At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan
At kahit na anong mangyari, pare steady ka lang
Pangako namin sa inyo palaging tandaan

Na ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

Nandyan si Dindin, ang drummer naming cute na cute
Kaibigan ko na sya mula nung '82
Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute
Pati mag drums pero ok lang yan chong, salute

Grade 3 nung nakilala ko si Montaner
Ang aming back up extra ordinaire
Sa bawat gig handa syang magpakamatay
Kasi nag-iisa yung kanta nya, yung Picha Pie

Si Buhawi, pinakamagulong bahista
Magaling, malupit, para syang karatista
Pag inyong makita, kala mo rakista
Pero gusto nya lang talaga maging fashionista

Si Gab, gitarista namin na malupit
Anak ng teacher kaya akala mo mabait
Pero kung minsan inaatake ng kulit
Nawawala bigla ang modo, banatan sa p*wet

At ang huli, si Darius Gerard Semaña
Ang pinakamatandang member ng Parokya
Wala kaming mahanap na ibang gitarista
Kaya kinuha namin sya kahit Lasalista

Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

[Gloc9:]
Ako si Gloc9 batang Binangonan Rizal
Sipag tyaga dugo pawis na may kasamang dasal
Di pwedeng mainip kahit na gaano pa katagal
Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal

Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy,
si Chito Miranda nakita ko sa kod-li
Ako'y napa-isip at medyo nangarap ng konti,
baka nga may mapala ang isang makatang promdi

Lumipas ang isang taon, may tumawag sakin
nang sabihin nya kung sino sya gusto ko syang murahin
nang aking pinuntahan di ko sukat akalain
makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng marami

Bagsakan ang nangyari
Samahang binuo namin wala akong masabi
kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin
Mula noo'y di na ko nakatulog ng mahimbing.

Palaging atat ipadinig sa lahat kung saan nagmula
ang tulang nag-ugat
dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat
dahil susunod na sakin ang anak ng alamat

[Frank:]
Sintamis ng makopa para bang naka-toga
nakamit na ang inaasam nilang diploma
'di kayang makopya ang tinahak ng Parokya
kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona

yan si Chito at ang tropa pagkabibo ay sumosobra
pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga
pag pumito na si kuya alam nating magulo na
mang pulis ho totoo na ako'y testigo ilang taon na

kulang nalang sulat ko'ng pangalan nila sa balota
walang pinoy na takot sa kanila
kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada sila ang pipiliin
na kalahok tampok sa kalokohang subok

walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok
sa pintuan palang hindi mo kayang makatok
sa bituka palang sila'ng mas matatag
sa totoo lang 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab,
Chee Kee Vinci Moreno Semana at Meneses
nominado at nanalo ng maraming beses
nakalathala sa punong Acacia
ang Diyos ay marunong humasa
'di ba halata na binasbasan ng Bathala 'sing tibay ng Narra
'di natakot mangarap pakinggan niyo'ng Harana,
mga kapatirang pariwara na inararo ng drama,
itaga niyo na sana sa bato at mangako na habambuhay magsasama

[Chito:]
Ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim

'Yan ang Parokya kahit na hindi magaling
Kami ang bandang hindi nila kaya patayin
Tumatanda na pero nandito pa rin
At habambuhay kaming maghahasik ng lagim